Passport data breach, maituturing na national security threat- PNP

by Jeck Deocampo | January 16, 2019 (Wednesday) | 21488

METRO MANILA, Philippines – Itinuturing na national security threat ng Philippine National Police (PNP) ang pagnanakaw umano ng datos sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng dating contractor na humahawak sa passport system ng Kagawaran.

Ani PNP Police Director General Oscar Albayalde, “not only threat on national security but also threat of our identities na napakarami na Pilipino na kumuha ng passport na nandoon lahat ang information.”

Ayon pa kay Albayalde, handang tumulong ang pambansang pulisya sa isasagawang imbestigasyon sa insidente ngunit hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang DFA.

Samantala, ang grupong Migrante ay nababahala sa naturang balita dahil nalalagay sa peligro ang kalagayan ng mga passport holders and applicants lalo na ang overseas Filipino workers. Anila ang mga nakuhang pribadong impormasyon ng mga OFW ay maaring magamit sa identity theft o iba pang iligal na aktibidad.

Magsasagawa naman ng fact finding investigation ang National Privacy Commission (NPC) hinggil sa insidente. Ipatatawag ng NPC ang mga opisyal ng DFA para magpaliwanag sa isyu.

Tiniyak ng ahensya na papanagutin ang mga responsable sa umano’y data breach sa passport system. Maaring makulong ng anim na taon at pagmultahin ng limang milyong piso ang lalabag sa Data Privacy Act of 2012.

Tags: , , , , ,