Temporary Off-site Passport Service ng DFA, binuksan na sa San Pedro, Laguna

by Erika Endraca | October 8, 2021 (Friday) | 645

LAGUNA – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbubukas ng Temporary Off-site Passport Service (TOPS) sa Robinsons Galleria South Mall sa San Pedro, Laguna nitong Oktubre 4, 2021.

Ang pagbubukas ng TOPS-San Pedro ay parte ng proyekto ng DFA na magkaroon ng TOPS operations sa bawat rehiyon upang maserbisyuhan ang mga nakatira sa labas ng Metro Manila.

Sa ngayon, ang TOPS-San Pedro ay tumatanggap lamang ng 300 aplikante araw-araw sa kabila ng mataas na demand ng passport appointment.

Ito ay bilang pagsunod ng ahensya sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang masiguro ang kaligtasan ng mga aplikante at ng kanilang personnel.

(Julie Gernale | La Verdad Correspondent)

Tags: ,