Passport at communication issues, napagkasunduan na ng Kuwaiti at Philippine government – DOLE

by Radyo La Verdad | March 8, 2018 (Thursday) | 5270

May ilang probisyon nang napagkasunduan ang Kuwait at Pilipinas kaugnay ng binabalangkas na bilateral agreement on OFW protection. Kabilang dito ang passport at communication issues.

Nakapaloob sa naturang probisyon na kailangan hawak ng OFW ang kaniyang pasaporte at ang karapatang makagamit ng telepono o cellphone upang makaugnayan ang pamilya at ang embahada ng Pilipinas.

Isinasapinal na rin ang pag-uusap sa probisyon na kailangang aprubado ng mga kinatawan ng pamahalaan ang pagta-transfer sa OFW sa ibang employer.

Ayon pa kay Sec. Bello, 85 percent ng tapos ang binabalangkas na bilateral agreement. Nguni’t hindi pa aniya maaaring ilahad ng DOLE ang lahat ng mga probisyon hangga’t hindi pa ito nilalagdaan ng Kuwaiti government.

Tinitiyak naman ni Sec. Bello na may malaking tiyansa na mapirmahan ang kasunduan sa lalong madaling panahon.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,