METRO MANILA – Half-day na lang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Branch Ngayong araw (October 31) ayon sa Malacañang.
Batay sa Memorandum Circular Number 69, simula, alas-12 ng tanghali mamaya ay suspendido na ang pasok sa mga opisina ng gobyerno. Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaang makapaghanda sa long holiday.
Hindi naman sakop ng naturang memo ang mga ahensya ng pamahalaang nakatalaga sa basic at health services, disaster preparedness at response at iba pang vital services.
Samanatala ipinauubaya na ng malakanyang sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at sa mga paaralan ang pagdedesisyon kung magdedeklara rin ang mga ito ng kalahating araw na pasok.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: government office, suspension