Naaresto nitong Myerkules ng National Bureau of Investigation ang isa sa mga umano’y nang-hack sa website ng Commission on Elections o COMELEC noong Marso.
Hindi muna pinangalanan ng NBI ang hacker nakaga-graduate lamang sa kursong information technology na nahuli sa Sampaloc, Manila.
Inamin umano nito na may dalawa pa syang kasama na nakakausap lamang niya sa social media.
Sa ngayon patuloy pang tinutugis ng NBI ang iba pang hacker.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI kung saang grupo kasapiang mga hacker na nauna nang nagsabi na miyembro sila Anonymous Philippines at kung may partisipasyon din ang mga ito sa pag-hack ng iba pang goverment websites.
Bahagi rin ng imbestigasyon ang sinasabi ng mga hacker na may inileak silang impormasyon ng mga botante at kung paano ito mababawi.
Nasa custodiya ng NBI ang computer na gamit umano ng naturang hacker habang isasailalim naman ang suspek sa inquest proceedings bago kasuhan ng paglabag sa Anti Cybercrime Law sa mga susunod na araw.
(Darlene Basingan/UNTV NEWS)
Tags: Anonymous Philippines, COMELEC website hacker, National Bureau of Investigation