Bouncer, atbp hihingan ng statement para sa Pasay concert investigation

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 6268

NBI
Iimbitahan ng National Bureau of Investigation ang mga nagsilbing bouncer at iba pang party goer sa summer concert sa Pasay noong nakaraang buwan.

Ito ay upang makatulong na mas mapabilis ang imbestigasyon kaugnay ng pagkasawi ng limang tao sa event.

Ayon sa NBI, nasa limaput anim na bouncer ang kinuhang magserbisyo para sa summer concert.

Umaasa ang NBI na mayroong tumugon sa kanilang imbitasyon kung hindi ay mapipilitan silang i-subpoena ang mga ito.

(UNTV RADIO)

Tags: ,