Paring kritiko ng administrasyong Duterte, pinayuhan na magsumite na ng writ of amparo

by Radyo La Verdad | August 29, 2018 (Wednesday) | 2988

(File photo from Amado Picardal’s FB Page)

Pinayuhan ng Malacañang ang paring kritiko ng administrasyong Duterte at ng anti-drug war na magsumite na ng writ of amparo sa korte.

Ang writ of amparo ay isang petisyong pwedeng isumite sa korte kung nilabag, nilalabag o posibleng malabag ang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad ng isang tao dahil sa iligal na aksyon o pagpapabaya ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan o ng mga pribadong indibidwal o grupo.

Kasunod ito ng alegasyon ng paring si Amado Picardal na muntik na umano siyang maging biktima ng extra judicial killings at maging pang-apat na paring napaslang sa ilalim ng Duterte administration.

Sinasabing si Picardal umano ang sumusubaybay sa extrajudicial killings sa Davao City at nagbibigay ng ayuda sa Commission on Human Rights sa imbestigasyon nito noon.

Tags: , ,