Higit isang libo at walong daan ang dumalo sa annual Philippine Military Academy Alumni Homecoming sa Baguio City noong Sabado ng umaga. Highlight ng event ang parade ng mga Cavalier sa Borromeo Field Gregorio del Pilar Baguio City.
Naka-grupo ayon sa kanilang batch ang alumni at makikilala sa kanilang suot na uniporme. Ang classmates ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakasuot ng amerikana at pulang sombrero.
Ang mga “Mistah” naman ni Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año ay nakasuot ng navy blue jacket na may 83 patch sa kanang bahagi ng kanilang dibdib. Naroon din ang matataas na opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Samantala, agaw eksena naman sa pagtitipon ang 92 year old na PMA Cavalier. Si Cavalier Delfin Castro ng PMA Class of 1951, ang syang pinakamatandang dumalo sa alumni homecoming. Habang ang pinakabata naman ay si 2nd Lieutenant Dice Anne Leopoldo na ipinanganak noong March 21, 1996.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: Baguio City, Cavaliers, PMA
Muling maghihigpit ang Baguio City Local Government sa pagsusuot ng face mask bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ipatutupad ang face mask mandate sa indoor setting at sa outdoor na matataong lugar.
Naniniwala ang opisyal na epekto ng Arcturus Variant ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
Sa huli tala ng Baguio City LGU, mayroon nang 46,363 COVID-19 cases sa lungsod, kabilang rito ang 68 active cases, 45,390 recoveries at 905 deaths.
Muling nanawagan si Magalong sa mga residente na kumpletuhin ang kanilang bakuna kontra COVID-19 at iwasan na rin muna ang handshakes.
Tags: Baguio City, Covid-19
Posibleng magpatupad ang Lokal na Pamahalaan ng Baguio ng parking fees o pangongolekta ng bayad sa mga residente na nagpaparada ng kanilang mga sasakyan sa tabi ng kalsada.
Papayagan din na magtalaga ng parking spaces ang bawat barangay at mangongolekta ng parking fees bilang kita.
Ayon kay City Council Information Officer Jordan Habbiling, naipadala na sa opisina ni Mayor Benjamin Magalong ang Measure Settings at General Guidelines para sa crafting ng Roadside Policies ng 128 barangay at hinihintay na lamang na mapirmahan bago ito tuluyang maipatupad.
Batay sa ordinansa, magkakahalaga ng P35 – P50 ang mga magpaparking on-street para sa unang 3-oras tuwing parking period sa umaga na mula 7:00 am – 7:00 pm at karagdagang P10 para sa mga susunod pang oras habang P100 naman ang parking fee sa overnight parking period na mula 7:00 pm hanggang 7:00 am.
Ipagbabawal din ang pagrereserba at dapat na first-come, first served basis ang pagpaparada.
Samantala, hindi saklaw ng panukala ang mga staging at parking areas na nakatalaga para sa mga pampublikong sasakyan sa parking areas ng mga parke at mga pasilidad na pagmamay-ari at sakop ng city o national government.
Hindi rin kabilang sa ordinansa ang mga kalsada na sakop ng Central Business District (CBC) dahil under na ito ng existing ordinance, City Ordinance 1-2003 o ang Baguio City Coding Scheme Ordinance.
Nakasaad din na ang overnight parking ng mga pampubliko at pribadong sasakyan ay ipinagbabawal at makokonsidirang obstruction, sa mga designated or not designated area sa ilalim ng iginawad na parangkisa ng LTFRB.
(Renajane Coyme | La Verdad Correspondent)
Tags: Baguio City, Parking Fees
METRO MANILA – Bahagyang hinigpitan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pinaiiral na community quarantine sa ilang probinsya sa bansa.
Kabilang dito ang Abra, Baguio City at Bohol na isinailalim sa General Community Quarantine with heightened restrictions mula sa dating klasipikasyon na Modified General Community Quarantine o (MGCQ).
Ang Ilocos Norte naman, niluwagan na sa GCQ mula sa Modified Enhanced Community Quarantine o (MECQ).
Epektibo ito simula ngayong araw (September 24) hanggang katapusan ng Setyembre.
Sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, 20% venue o seating capacity ang pinahihintulutan sa indoor dine-in services samantalang 50% naman sa al-fresco o outdoor dine-in services.
30% seating capacity naman para sa beauty salons, beauty parlors, barbershops, at nail spas.
At ang outdoor tourist attractions namans, papayagan ang 30% venue capacity at dapat panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards.
Sa religious gatherings naman, maaari ang 10% venue capacity at maaari itong palawigin ng mga lokal na pamahalaan sa 30%.
Ang mga establishment naman na may safety seal certifications, maaari pang dagdagan ng 10% seating capacity.
Bawal naman ang meetings, incentives, conventions and exhibitions events and social events sa venue establishments gayundin ang indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions.
Samantala, ang Metro Manila naman ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 4 na may kasamang granular lockdowns.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Abra, Baguio City, Bohol, GCQ, GCQ with Heightened Restrictions, Ilocos Norte