Paraan para mapababa ang konsumo ng mga pilipino sa bigas, dapat pag-aralan – Ako Bicol partylist

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2049


Makatutulong umano sa pagabot ng rice self-sufficiency sa bansa kung mababawasan ang konsumo ng kanin ng mga pilipino.

Ayon kay Ako Bicol party list representative Rodel Batocade, dapat ay bumuo ng technical working group o kumite na mag-aaral dito. Kailangan din aniya ang tulong ng DepEd upang maituro sa mga bata ang masamang epekto ng sobrang pagkain ng kanin.

Ayon naman kay dating DA Secretary William Dar, hindi madali na baguhin ang kultura o gawi ng mga pilipino sa pagkain ng kanin.

Ayon sa nakaraang administrasyon, naabot nila ang 96% ng kasapatan ng bigas sa bansa. Ang kakulangan nito ay inaangkat na mula sa mga bansang gaya ng Thailand at Vietnam.

Base naman sa datos ng National Food Authority, nasa 109.87 kilograms na lamang ang konsumo sa bigas ng mga pilipino ngayon kumpara sa 114.27 kilograms noong 2016.

Ilan sa mga atlertatibo ng mga pinoy ay ang pagkain ng tinapay, kamote at saging.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,