Panukalang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, papasa sa Kongreso – House Speaker

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 2253

Kumpiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez na mayorya ng mga kongresista at senador ay sasang-ayon na muling palawigin ang martial law sa Mindanao.

Bukas nakatakdang magsagawa ng joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso para busisiin ang hiling ng Pangulo na palawigin pa ng isang taon ang umiiral na batas militar sa rehiyon.

Aniya, kahit tapos na ang giyera sa Marawi, hindi ibig sabihin nito na tapos narin ang laban ng pamahalaan sa mga teroristang grupo.

Pero ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, labag sa konstituston ang martial law extention. Malaki din umano ang epekto ng panukalang ito sa mga sundalong kagagaling lang  sa madugong bakbakan sa Marawi. Ayon kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na isang dati ring sundalo.

Kanina nagsagawa ng all member caucus ang Kamara kung saan imbitado ang mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government o DILG, Department of National Defese o DND at si Executive Secretary Salvador Mideialdea.

Dito pinaliwanag ng mga opisyal sa mga kongresista ang dahilan kung bakit kailangang palawigin ang batas militar sa Mindanao.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,