Panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan, aprubado na sa Lower House

by Radyo La Verdad | March 8, 2017 (Wednesday) | 5503


Sa botong 216-54 pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill Number 4747.

Sa 257 na miyembro ng lower na present sa plenaryo, nakakuha ng mayoryang boto ang panukala.

Ipinaliwanag naman ng mga anti-death penalty congressmen ang kanilang hindi pagpabor sa panukala.

Ilan pa sa mga kilalang Liberal Party members na bumoto ng “no” ay sina Congressmen Vilma Santos, Edcel Lagman, Jorge Banal, Gabriel Bordado, Raul Daza, Raul Del Mar, Edgar Erice, Josephine Ramirez-Sato, Kit Belmonte.

Sina Quezon City Congressman at dating LP Vice Chair at Speaker Sonny Belmonte at Marikina City Representative Miro Quibo ay bumoto naman pabor sa panukala.

Samantala, nanganganib naman na mawalan ng chairmanship committee ang ilang miyembro ng LP at majority members na hindi pumabor sa Death Penalty Reimposition Bill.

Ito ay sina Dinagat Island Representatives Kaka Bag-ao na may hawak ng Peoples Participation Committee, Kit Belmonte ng Land Use, Recto ng Civil Service and Professional Regulation, Antonio Tinio ng Public Information, Carlos Zarate ng Natural Resources, Emmi De Jesus ng Poverty Alleviation at Mariano Velarde ng Overseas Workers Affairs.

Bago ang naging botohan kahapon ay sinabi na ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may listahan na siya ng posibleng mga papalit sa mga kongresista.

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, ipapataw ang parusang kamatayan sa mga drug related offenses maliban sa illegal drugs possession.

Tiniyak naman ng opposition congressmen na ipagpapatuloy nila ang pagtutol sa panukala sa Senado at hanggang sa Korte Suprema.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,