Inihayag ni Senator Alan Peter Cayetano na isinumite na niya kay President-elect Rodrigo Duterte ang panukalang taasan ang sahod ng mga pulis, militar at mga law enforcer.
Partikular na itataas ang sahod ng mga pulis ng hanggang 50,000 pesos.
Ayon kay Cayetano inilatag na nila ito kay Duterte at ang kinakailangan na lamang ay suportang manggagaling sa Kongreso.
Napapaloob na sa 50 thousand pesos ang basic pay at allowance ng mga pulis.
Binase ang panukalang pagtataas sa sahod sa 30 thousand pesos cost of living sa Metro Manila.
Sa naturang panukala, aabot sa 70 billion pesos na pondo kung saan ang 50 billion pesos ay ilalaan sa salary increase at ang 2o billion pesos ay irereserba para sa retirement fund.
Sa kasalukuyan umaabot sa 15 thousand pesos ang sweldo kada buwan ng isang pulis na may pinakamababang ranggo.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: 000 salary increase, incoming Duterte administration, Mga pulis, Panukalang P50
Wala na sa hurisdiksyon ng PNP-Internal Affairs Service o IAS ang pagsasampa ng kasong criminal at administratito laban sa mga puils na umanoy involves sa “secret cell”.
Ito ang nilinaw ni Inspector General Alfegar Triambulo.
Paliwanag niya ngayong nagsampa na ng pormal na reklamo ang Commission on Human Rights sa Office of the Ombusaman hindi na sila maaari pang makialam sa imbestigasyon.
Wala rin umano sa kanilang kapangyarihan na iabswelto ang mga nasabing pulis dahil isinumite na nila sa Ombudsman ang kanlang fact finding report.
Naniniwala naman ang Commission on Human Rights na sapat ang mga ebidensyang kanilang isinumite sa Ombudman para mapanagot ang mga naturang pulis.
(Grace Casin)
Tags: Mga pulis, Ombudsman, PNP-IAS, secret jail
Nag-inspeksyon ngayong araw sa area ng Mall of Asia, PICC at CCP Complex si National Capital Region Police Director Oscar Albayalde.
Bilang bahagi ng pagtitiyak ng seguridad sa mga lugar na dadaanan at pupuntahan ng delegasyon mula sa iba’t- ibang bansa.
Ayon kay NCRPO Chief, nasa apat na libong pulis ang nakadeploy ngayon sa CCP Complex, ilang hotel sa Maynila at Pasay area.
Nakitaan ng problema sa kakulangan ng portalet at tubig para sa mga nagbabantay ng pulis.
Sa ngayon ayon kay NCRPO Chief, wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa buong event ng ASEAN.
(Nel Maribojoc)
Tags: ASEAN event, mga portalet, Mga pulis, NCRPO, tubig
Ipinagmalaki ng Philippine National Police Human Rights Affairs Office ang pagbaba ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis.
Base sa datos ng PNP-HRAO, nakapagtala sila ng 174 na kaso noong 2014 habang 131 naman noong 2015 at 105 noong 2016.
Subalit kailangan nilang magbantay ngayong 2017 lalo na’t sa unang 2 buwan pa lamang ng taon ay nakapagtala na sila 56 na kaso.
Karamihan sa mga paglabag ay kinabibilangan ng homicide, illegal at arbitrary detention, unlawful arrest at rape.
Kaya naman naglilibot ngayon ang PNP-HRAO sa mga rehiyon na may mataas na paglabag na kinabibilangan ng Regions 1, 7 at NCR.
Ang pinakamataas namang ranggo na naitalang lumabag sa human rights ay police superintendent sa Police Commissioned Officer at Senior Police Office 4 o SP04 naman sa police non- commissioned officer.
Patuloy ring namimigay HRAO ng mga pulyetos na naglalaman ng Miranda rights sa mga pulis.
(Lea Ylagan)
Tags: karapatang pantao, Mga pulis, PNP