Kakulangan ng mga portalet at tubig para sa mga pulis na nakabatantay sa ASEAN event, ilan sa nakitang problema ng NCRPO

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 5642


Nag-inspeksyon ngayong araw sa area ng Mall of Asia, PICC at CCP Complex si National Capital Region Police Director Oscar Albayalde.

Bilang bahagi ng pagtitiyak ng seguridad sa mga lugar na dadaanan at pupuntahan ng delegasyon mula sa iba’t- ibang bansa.

Ayon kay NCRPO Chief, nasa apat na libong pulis ang nakadeploy ngayon sa CCP Complex, ilang hotel sa Maynila at Pasay area.

Nakitaan ng problema sa kakulangan ng portalet at tubig para sa mga nagbabantay ng pulis.

Sa ngayon ayon kay NCRPO Chief, wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa buong event ng ASEAN.

(Nel Maribojoc)

Tags: , , , ,