Panukalang P50,000 salary increase sa mga pulis, pinagaaralan na ng incoming Duterte administration

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 2925

CAYETANO
Inihayag ni Senator Alan Peter Cayetano na isinumite na niya kay President-elect Rodrigo Duterte ang panukalang taasan ang sahod ng mga pulis, militar at mga law enforcer.

Partikular na itataas ang sahod ng mga pulis ng hanggang 50,000 pesos.

Ayon kay Cayetano inilatag na nila ito kay Duterte at ang kinakailangan na lamang ay suportang manggagaling sa Kongreso.

Napapaloob na sa 50 thousand pesos ang basic pay at allowance ng mga pulis.

Binase ang panukalang pagtataas sa sahod sa 30 thousand pesos cost of living sa Metro Manila.

Sa naturang panukala, aabot sa 70 billion pesos na pondo kung saan ang 50 billion pesos ay ilalaan sa salary increase at ang 2o billion pesos ay irereserba para sa retirement fund.

Sa kasalukuyan umaabot sa 15 thousand pesos ang sweldo kada buwan ng isang pulis na may pinakamababang ranggo.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,