METRO MANILA – Pasado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong taasan ng P100 ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Dalawampung Senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2534 o ang panukalang P100-legislated daily minimum wage increase.
Nilinaw naman sa plenaryo na hindi saklaw ng panukala ang mga maliliit na negosyo na may 10 empleyado pababa at may kapital na P3-M pababa.
Binigyang diin ng mga Senador na kailangan nang itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.