METRO MANILA – Plano ng senado na ipasa na sa pinal at ikatlong pagbasa ang panukalang umento sa sahod para sa pribadong sektor sa susunod na Linggo.
Noong Miyerkules (February 14), lusot na sa ikalawang pagbasa ang proposed P100-legislated daily minimum wage increase.
Giit ng mga senador, kailangan nang itaas ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Nanawagan naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kamara na agad na ring ipasa ang panukala.
Inaasahan umano na aabot sa 4.2 million minimum wage earners ang makikinabang sa panukala sa oras na maging batas.
Tags: minimum wage hike, Senate