METRO MANILA – Ganap nang batas ang kontrobersyal na panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito’y matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Malakanyang nitong Martes, July 18.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na malaking tulong ito upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.
Dahil sa sovereign wealth fund , hindi na kinakailangang mangutang pa ang Pilipinas para lamang sa mga ipatutupad na programa o proyekto ng gobyerno.
Pagtitiyak ng pangulo idinistansya niya ang kaniyang sarili sa pamamahala sa Maharlika Investment Fund (MIF), upang hindi mahaluan ng pulitika ang anomang magiging desisyon ukol sa bagong batas na ito.
Pinawi rin ni PBBM ang pangamba ng ilan ukol sa posibilidad na magamit umano ang pondo ng MIF sa personal na mga pangangailangan.