Panukalang ipagpaliban ang brgy. at SK polls hanggang 2020, posibleng makapasa agad sa Lower House – Rep. Tugna

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 5478


Suportado ng chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na si Citizens Battle Against Corruption o CBAC Parylist Representative Sherwin Tugna ang layunin ng panukalang ipagpaliban muli ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 2017.

Ayon sa mambabatas, posibleng makapasa agad ang panukalang ipagpaliban ang halalan hanggang taong 2020.

Ngunit sa kabila nito, tiyak aniya na dadaan sa debate ang usapin sa pagtatalaga ng mga officer-in-charge sa mga barangay.

Naalarma naman ang ilang mambabatas sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na paga-appoint ng barangay officials.

Samantala naniniwala naman si Congressman Tugna na may posibilidad na sa taong 2020 ay maisabay na rin sa bagong takdang eleksyon ang proseso sa pagpapasa ng mga panukalang amiyenda sa konstitusyon.

(Nel Maribojoc)

Tags: , , , ,