Panukalang gawing mandatory ang speed limiter sa pampublikong bus, inaprubahan na ng Senado

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 4878

SPEED-LIMITER-2
Pumabor ang senado sa panukalang kabitan ng speed limiter ang public utility buses

Naniniwala si Senador JV Ejercito ang may-akda ng Senate Bill 2999 o Speed Limiter Bill makababawas sa road accidents ang paglalagay ng speed limiters

Ayon sa ulat ng Philippine National Police, aabot sa mahigit dalawang libo ang aksidente sa kalsada noong 2013

Lumobo pa ito pagdating ng 2014 na aabot ng mahigit labing limang libo

Nasa mahigit 13 thousand naman ang naitalang aksidente sa kalsada ng PNP noong 2015 mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ng UP National Center for Transport Studies sa speed control sa public utility buses noong 2014 lumalabas na ang bus riders ang ikinokonsidera na pinaka lantad sa aksidente

Sa pag-aaral idinidiin dito ang katotohanan na ang bus ay anim na beses na mas mapanganib kaysa sa kotse at limang beses na mapanganib kaysa sa jeepney

Ayon kay Senador Ejercito, ang pagkakabit ng speed limiter ang magdidisiplina sa bilis ng sasakyan at maiiwasan ang aksidente sa kalsada

Sa pagaaral din ng UP-NCTS, ang speed limiters ay matagumpay na nakatutulong sa pagbaba ng bilang ng bus accidents

Sakaling maging batas, ang ikakabit na speed limiter ay naka programmed sa maximum 60 kilometer per hour para sa mga pampublikong bus na dumadaan sa EDSA, maximum of 80 kilometer naman per hour sa mga dumadaan sa NLEX, SCTEX, TPLEX, SLEX at Star-Tollway

Ayon sa panukalang batas, hindi irerehistro ang anumang pampublikong bus ng LTO o bibigyan man ng bagong prangkisa ng LTFRB hanggang hindi nakakabitan ng speed limiter

May accreditation rin ito upang matiyak na ang speed limiter sa mga bus ay katanggap-tanggap sa international standards at pasado sa specifications

May kaukulang parusa naman ang mapatutunayang magtatamper nito at multa ng hindi hihigit sa isan daang libong piso sa sinomang pub operators na hindi makasusunod sa batas.
Una nang inaprubahan ang version ng panukala sa House of Representatives na House Bill 5911

Matapos aprubahan ng senado at kamara ay kailangan pa nitong dumaan sa Bicameral Conference Committee, ratipikahan ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso at lagdaan ng pangulo upang maging ganap na batas.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , ,