Panukalang gawing Lunes ang pagdaraos ng holidays na papatak ng weekends, isinusulong

by Radyo La Verdad | January 18, 2023 (Wednesday) | 2236

METRO MANILA – Isinusulong sa senado ang panukalang madagdagan ang long weekends sa pamamagitan ng paglipat ng selebrasyon ng weekend holidays.

Sa Senate Bill 1651 na inihain ni Senator Raffy Tulfo, layong nitong maamyendahan ang Holiday Economics Law na nagpapahintulot na gunitain sa pinakamalapit na Lunes ang ilang holidays na papatak ng Sabado o Linggo.

Ayon sa senador, makakatulong aniya ito na mapalakas ang lokal na turismo ng bansa.

Maisusulong din aniya nito ang work-life balance para sa mga empleyado at mga estudyante dahil sa long weekends.

Dapat din aniyang maglabas ang pangulo ng proklamasyon sa unang Lunes ng Disyembre ng mga petsa na idedeklara bilang non-working holidays para sa susunod na taon.

Tags: ,