Panukalang batas upang pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng mga building permit at certificate of occupancy isinusulong sa Senado

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 4619

File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Mas mapapabilis na ang proseso ng pagbibigay ng mga building permit oras na maging batas ang Senate bill 2902 ni Senador Antonio Trillanes IV.

Layon nitong tugunan ang kasalukuyang komplikadong proseso ng pagkuha ng mga nasabing permit.

Sa kasulukuyan, ang national building code na nasa ilalim ng Republic Act 6541 ay nagbibigay ng mga balangkas ng sukatan at mga kakailanganin para sa lahat ng mga gusali at istruktura, kasama ang pagsiguro sa kanilang tamang lokasyon, disenyo, kalidad ng materyales, at rason sa pagtatayo.

Ayon dito, ang pagbibigay ng building permit ay kailangan bago itayo ang gusali at ang certificate of occupancy matapos itong itayo.

Sa ilalim ng SBN 2902 na amyendahan ang RA 6541 upang mas mapabilis ang pagkuha ng mga permit sa pamamagitan ng pagtatakda ng nararapat na bilang ng araw para makakuha nito, at ang pagsasaayos ng proseso ng pag-aapela, at pagpapataw ng parusa sa mga opisyal na lumalabag dito.(Bryan De Paz/UNTV Correspondent)

Tags: ,