Panukalang-batas para sa P320 na dagdag sa minimum wage sa buong bansa, inihain ng TUCP

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 5410

Base sa pag-aaral ng IBON Foundation sa Metro Manila, para makakain ng tatlong beses sa isang araw ang isang pamilyang may 6 na miyembro at makapasok sa paaralan ang kanilang mga anak ay nangangailanagn sila ng 1,160 piso kada-araw.

Malayo ito sa 512 piso na daily minimum wage sa National Capital Region.

Ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), naghain na rin ng kanilang panukalang-batas sa Kamara para dagdagan ng 320 piso ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Kung maisasabatas ang panukala, magiging 832 piso na ang arawang sahod sa Metro Manila para sa non-agriculture workers.

Tataas na rin sa 610-720 piso ang mininum wage sa Luzon, 605-686 piso sa Visayas at 585-660 piso sa Mindanao.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtalakay sa panukalang batas na ito.

Una nang naghain ng hiwalay na panukalang-batas ang Makabayan bloc sa Kongreso upang gawing 750 piso ang arawang sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,