METRO MANILA – Inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill 2028, ang panukalang batas na magkakaloob ng cash gift sa mga Pilipinong umabot na ang edad sa 80 at 90 yrs. Old
Layunin ng panukalang batas na palawakin ang Centenarian Act of 2016, na kasalukuyang nagkakaloob ng P100,000 sa mga Pilipinong umabot ang edad na 100.
Sa ilalim ng batas, bibigyan ng P10,000 ang mga umabot sa edad na 80.
Habang P20,000 naman ang ibibigay sa mga umabot sa edad na 90 at P100,000 naman sa 100 yrs. old.
Lahat ng Pilipino, na nasa loob o labas man ng bansa ay eligible sa cash gift at maaari itong i-claim sa loob ng 1 taon mula ng umedad 80, 90, at 100.
Tags: Senate