Panukalang batas na magbabalik ng pagbubukas ng school year sa Hunyo, inihain ng mambabatas mula sa Ilocos Sur

by Radyo La Verdad | June 12, 2023 (Monday) | 495

METRO MANILA – Hinikayat ni Ilocos Sur 1st District Rep. Ronald Singson ang kaniyang kapwa mambabatas na maibalik muli sa Hunyo ang pagbubukas ng klase sa lahat ng paaralan sa bansa.

Base sa ipinasang House Bill no. 8508 ng kongresista, ibabalik sa unang Lunes ng Hunyo ang pasimula ng school year.

Matinding init at tag-ulan sa school break ang mga pangunahing dahilan ni Singson upang baguhin ang pang-akademikong kalendaryo sa pagbubukas ng mga klase sa paaralan.

Dagdag ang panukalang batas na ito sa mga hinaing upang ibalik ang school summer break sa Abril hanggang Mayo kaalinsabay sa mga insidente ng gutom at dehydration ng mga estudayante dahil sa mataas na heat index sa bansa.

Iminungkahi ni Singson na bagama’t mahirap tukuyin ang magiging lagay ng panahon dahil sa pababago na klima, pinaka-angkop pa rin ang dating kalendaryo ng paaralan sa bansa.

(Andrei Canales | La Verdad Correspondent)

Tags: