VP Sara, hindi pabor na madaliin ang pagbabalik ng dating school calendar

by Radyo La Verdad | April 9, 2024 (Tuesday) | 2443

METRO MANILA – Hindi pabor si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na madaliin ang pagbabalik ng dating school calendar.

Ayon sa bise presidente, kapakanan ng mga guro at mga estudyante ang kanilang pangunahing konsiderasyon sa bawat hakbang na gagawin.

Kung gagawin aniya agad ito sa darating na pasukan, maaapektuhan ang pahinga ng mga guro at mga mag-aaral.

Tags: ,