Panukalang 2023 national budget, aprubado na ng Senado sa huling pagbasa

by Radyo La Verdad | November 24, 2022 (Thursday) | 1234

METRO MANILA – Naaprubahan na ng Senado sa ikatlong pagbasa ang P5.3-T na panukalang budget para sa susunod na taon.

21 senador ang bumotong pabor sa House Bill 4488 o ang General Appropriations Bill.

Habang wala namang bumotong hindi pabor o nag-abstain.

Ilang amyenda ng minority bloc ang inaprubahan sa bersyon ng Senado gaya ng pagtapyas sa confidential funds ng ilang ahensya ng gobyerno.

Kabilang na rito ang panukalang P150-M na confidential fund para sa Department of Education (DepEd) na ibinaba na lamang sa P50-M.

Inilipat ang P100-M para sa healthy learners institution program ng ahensya.

Ayon kay Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, tutugon ang pondo sa pangangailangan ng mga tao ngayong post pandemic, titiyak sa food security ng bansa, magpapalakas sa edukasyon at paghahanda sa bansa mula sa epekto ng climate change.

“Sinigurado po ntain na kahit may pagbabago sa detalye ng mayorya humahalili pa rin ang kabuoan ng panukalang budget sa mga adhikain ng administrasyon ng Presidente Bongbong Marcos Junior. pinakinggan din natin ang naiisip ng ating mga kasamahan tulad ng mga maiinit na isyu at dahil dito naglipat tayo ng ilang halaga mula sa confidential funds.” ani Sen. Sonny Angara.

Tags: