Panukala vs premature campaigning, inihain ni Sen. de Lima

by Jeck Deocampo | August 2, 2018 (Thursday) | 9687

Image may contain: 1 person

METRO MANILA – Naghain ng panukala si Sen. Leila de Lima laban sa premature campaign. Nakasaad nang mas detalyado ang mga bawal na gawin ng isang pulitiko o indibidwal na may planong tumakbo sa local o national elections.

Ipinagbabawal sa nasabing panukala ang pag-eendorso ng isang produkto o serbisyo, paglabas sa anumang infomercial, documentary, pelikula, guesting sa anumang television o radio program maliban sa lehitimong news coverage. Gayun na rin ang pagtanggap ng trabaho sa anumang media organization, pagbili ng oras o space sa diyaryo, radyo, telebisyon o internet para lamang i-advertise ang sarili o anumang produkto o serbisyo.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, mahigpit nang ipinagbabawal ang maagang pangangampanya na labas pa sa itinakdang campaign period ng Commission on Elections. Ngunit dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema noong November 2009 sa disqualification case ng isang alkalde sa Surigao del Norte, nawala bilang election offense ang premature campaigning dahil na rin sa bisa ng Automated Election Law.

Para sa ilang senador, napapanahon na rin upang pag-aralan ang ganitong panukala.

 

(Ulat ni Nel Maribojoc/UNTV News)

(Larawan mula sa Office of Senator De Lima)

Tags: , , , , ,