Panukala sa pagpapaliban sa brgy at SK polls, posibleng sertipikahang urgent – Malacañang

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 3286


Posibleng sertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban sa taong 2020 ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana ngayong Oktubre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kasama ito sa mga prayoridad ng pangulo.

Nais ng punong ehekutibo na ipagpaliban ang halalan at magtalaga na lamang ng barangay officials upang maiwasan na maupo sa pwesto ang mga opisyal na umano’y nakikinabang sa drug money.

Una nang naghain ng panukalang barangay at SK postponement si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers bilang suporta sa plano ng pangulo.

Tags: , , ,