Pangunahing suspek sa pagpatay kay Demafelis, nasa kamay na ng Kuwaiti authorities

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 2945

Naaresto na ng mga otoridad ang mag-asawang suspek sa pagpatay kay Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Worker na natagpuang wala ng buhay sa loob ng freezer sa isang apartment sa Kuwait.

Sa inilabas na pahayag ang Department of Foreign Affairs, nasa kustodiya na umano ng Lebanese authorities si Nader Essam Assaf at asawa nito na si Mona Hassoun, isang Syrian National, kapwa naaresto ang mga ito sa Syria matapos tumakas papalabas ng bansang Kuwait.

Mabilis na nahuli ang mga ito nang humingi ng tulong ang Kuwaiti Government sa Interpol sa pagtugis sa kanila.

Samantala, personal pang nagtungo sa bahay ng mga Demafelis si Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Hans Leo Cacdac upang kumpirmahin sa mga kaanak ni Joanna na nahuli na ang mga suspek.

Labis naman ang kagalakan at pasasalamat ng pamilya Demafelis sa pangyayring ito.

Inaasahan ang agarang extradition ng dalawang suspek sa Kuwait upang maharap ng mga ito ang isasampang kaso laban sa kanila.

Sisiguraduhin naman umano ng DFA katuwang ang Department of Labor and Employment na susundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang hustisya para kay Demafelis.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,