METRO MANILA – Binawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang Proclamation Number 55, ang deklarasyon ng State of National Emergency on Account of Lawlessness Violence in Mindanao.
Ito ay matapos magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon sa peace and order sa rehiyon.
Nakasaad sa Proclamation Number 298, dahil sa matagumpay na operasyon ng militar at law enforcement operations, nagkaroon ng pagbabago at naibalik ang peace and order sa rehiyon.
Ang naturang hakbang ay inaasahang magpapalakas sa economic activity at magpapabilis sa pagbangon ng local economy.
Ang Proclamation Number 55 ay inilabas ng palasyo noong September 4, 2016 dahil sa lawlessness violence na idinudulot ng private armies at local warlords, sindikato, at terrorist groups.