Pangulong Duterte, walang balak na magdeklara ng Martial Law sa Negros Oriental

by Radyo La Verdad | August 7, 2019 (Wednesday) | 20604

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng ilan hinggil sa napapaulat na posibilidad na magdeklara ito ng Martial Law sa probinsya ng Negros Oriental dahil sa sunod-sunod na patayan.

Ayon sa Punong Ehekutibo, ang malaking hakbang na tinutukoy niya upang resolbahan ang isyu sa peace and order ay ang pagpapadala ng mas maraming pwersa ng military sa probinsya.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng League of Cities in the Philippines at liga ng mga barangay sa Malacañang kahapon (Aug. 6, 2019).

 “You have a ruckus there in Negros. Ang sinabi kong drastic action was that punuin ko ng sundalo just like Jolo. I have one division tapos magpadala pa ako ng dagdag sa…. You know, life is not really that good, that comfortable, especially with so many military around and so many checkpoints. And if the trouble continues the more that the military will be quite stringent in,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagtitiyak pa ni Pangulong Duterte, ‘di sya magdedeklara ng Martial Law liban na ang umiiral nang batas military sa Mindanao.

Dagdag ng Pangulo, “I will never declare Martial Law. Except in Mindanao, talagang kailangan, because there was already a rebellion.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,