Inimbitahan ng European Union si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa isasagawang Asia-Europe Summit sa Brussels, Belgium sa darating na Oktubre.
Ayon sa Pangulo, mismong ang presidente ng EU na si Donald Tusk ang nag-imbita sa kanya. Ngunit tila walang balak pumunta sa pagtitipon ang punong ehekutibo.
Tumabang ang pakikipag-ugnayan ni Pangulong Duterte sa European Union dahil sa mga nakaraang pambabatikos nito sa drug war ng pamahalaan. Ilang beses na ring tinanggihan ng Pangulo ang alok na financial assistance mula sa organisasyon.
Pinakahuli dito ay ang 6.1m euros o halos 384 billion pesos trade related technical aid ng EU na sana’y ibibigay sa Pilipinas noong Enero.
Una nang sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, bagama’t gusto nila sanang tanggapin ang aid ng EU subalit hindi nagkasundo sa ginamit na lengguahe sa mga dokumento na lalabag aniya sa batas.
( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )