Pangulong Duterte, tinuligsa ang MWSS dahil sa nangyaring water crisis

by Erika Endraca | April 15, 2019 (Monday) | 5395

Manila, Philippines – Nakatakdang magdesisyon ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte kung may aalisin ba siya sa pwesto na mga opisyal ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) dahil sa naranasang water crisis sa Metro Manila noong Marso.

Ito ang petsang unang binigay ng pangulo matapos pag-aralan ang report na isinumite ng MWSS.

Subalit noong Sabado, tinuligsa ng punong ehekutibo ang MWSS dahil sa di umano nito paghahanda kaugnay ng pagsapit ng El niño. Ginawa ng pangulo ang pahayag sa PDP-Laban campaign rally sa bukidnon.

“Pareho anang MWSS, anak ka ng p. Kada seasonal, naa gyud nang El Niño, nganong wa man na ninyo preparahe? Nga pagkahuman, wa pa gani maabot nang El Niño, wa na’y tubig. P** i**. Hain na man diay ang tubig aning kalibutana ni? Og wa nako ingna’g muanha ko ugma, pagkabuntag, agas na. Kita mo katonto sa dato? ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na ring nagwarning ang punong ehekutibo na tatapusin ang kontrata ng gobyerno sa mga water concessionaire kung di aayusin ang serbisyo ng mga ito. Sumbat din ng pangulo, kung di pa siya nagbanta, di pa babalik ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng metro manila noong Marso.

“Kanang tubig nang p i* na, og wa nako ingna sila, “Abrihi nang inyong tubig diha, kay og wa pa gani muagas ugma sa udto, muanha ko sa Manila, tamparuson ta mong tanan.” Pagkaugma naa nay tubig. Tan-awa ra.  ani Pangulong Rodrigo Duterte

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: , ,