Pangulong Duterte, target na maresolba ang problema sa illegal drugs sa loob ng isa pang taon

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 3509

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na maresolba ang suliranin ng bansa sa iligal na droga.

Ayon sa punong ehekutibo, hindi siya hihinto hanggang di natatapos ang narcotics problem. Kaya niya aniya itong tapusin sa loob ng isa pang taon ngayong muli nang naibalik na ang Philippine National Police sa anti-drug war katuwang ng Philipline Drug Enforcement Agency.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang Mass Oath Taking Ceremony sa Malakanyang kahapon. Magugunitang unang sinabi ng punong ehekutibo na tatapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan. Ngunit hindi ito natupad dahil umano sa lawak ng problema.

Sinabi rin nito na hindi ito kayang resolbahin dahil sa malubhang suliranin kahit pa sa loob ng kaniyang buong termino.  Muli rin nitong hinamon ang mga Human Rights Organizations na tumutuligsa sa anti-drug war ng kaniyang administrasyon.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,