Pangulong Duterte, pipirmahan na ngayong araw ang national ID law

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 2727

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon sa Malacañang ang Philippine Identification System (PhilSys) kasabay ng presentation ng Bangsamoro Organic Law.

Inaasahan na ang bawat Pilipino ay magkakaroon na ng unique at permanenteng PhilSys number bilang kaniyang personal identification.

Una nang nabanggit ng Department of Budget and Management (DBM) na may nakalaan nang dalawang bilyong pisong pondo para maipatupad ito ngayong taon ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng PhilSys o national ID law. Inaasahang mapapaigting ang efficiency at transparency sa public services at maisusulong ang ease of doing business.

Hindi na kinakailangang magpresenta ng multiple ID ang isang mamamayan para patunayan ang kaniyang identity at inaasahang maiiwasan ang identify theft o fraud.

Tags: , ,