Pangulong Duterte, pinagpaplanuhan ang sunod na hakbang vs local narco-politicians na sangkot sa Marawi siege- Malakanyang

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 2842

Ilang opisyal ng pamahalaan mula barangay captain, councilor, vice mayor at alkalde ng Lanao del Sur ang isinasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng iligal na droga.

Bukod sa illegal drugs operation sa buong Mindanao, may kinalaman din umano ang mga ito sa Marawi siege.

Hindi pa matiyak ng Malakanyang kung sa anong aspeto nakikinabang ang mga naturang local politician kapalit ng kanilang umano’y suportang pinansyal sa mga terorista.

Subalit ayon sa Malakanyang, isa ito sa tinitingnang dahilan kung bakit tila di rin nauubusan ng suplay sa pagkain, bala at armas ang mga terorista sa Marawi.

Sinabini Presidential Spokesperson Ernesto Abella na sa ngayon ay pinag-aaralan na ni Pangulong Duterte kung ano ang kanyang magiging hakbang laban sa mga ito.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,