Malacañang – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas hinggil sa rescheduling ng opening ng school year.
Batay sa Republic Act 11480, may kapangyarihan ang Pangulo sa pamamagitan ng rekomendasyon ng education chief na itakda ang panibagong petsa para sa pagbubukas ng klase sa bansa o ilang bahagi nito kung may deklarasyon ng state of emergency o calamity sa bansa.
Sakop nito ang lahat ng basic education schools maging ang foreign at international schools.
Amendment ito sa Republic Act 7797 kung saan nakasaad na dapat umpisahan sa first monday ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto ang klase taon-taon.
Pinirmahan ng Pangulo ang bagong batas noong July 17, 2020.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Opening of classes, Pangulong Duterte, RA 11480, School year