DepEd, bubuksan na ang klase sa mga public school sa August 29

by Radyo La Verdad | August 4, 2023 (Friday) | 3154

METRO MANILA – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na muling bubuksan ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa darating na August 29 para sa school year 2023 to 2024.

Kasama sa nakatakdang pagsisimula ng klase ang lahat ng nasa elementarya at sekondarya.

Samantala, sinabi naman ng kagawaran na nasa desisyon ng mga pribadong paaralan kung kailan ang magiging schedule ng pagbubukas ng klase.

Sa ilalim ng Republic Act 11480, maaaring magbukas ang klase sa private school sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo subalit hindi dapat lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Tags: ,