Pangulong Duterte, nangangamba sa kalagayan ng mga OFW sa Middle East

by Erika Endraca | January 7, 2020 (Tuesday) | 3526
Photo By: Presidential Communications

METRO MANILA – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na kinakabahan siya para sa kalagayan ng Milyon-milyong Pilipino na nasa Middle East dahil sa nakaambang panganib bunsod ng tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Ayon sa Pangulo, dahil sa dami ng mga Pilipino sa Middle East, napakalaking effort ang kinakailangang gawin ng pamahalaan upang maibalik silang lahat sa Pilipinas sakaling sumiklab ang gulo doon. Lalo na ang mga nasa bansang Saudi Arabia at Israel.

“We have so many Millions, nearing 3 I think, of Filipinos working mainly in the Middle East. Kinakabahan ako. Iran seems to be hell-bent on a retaliation, which I think will come. It’s a matter of time. I do not have anything, nary a worry, were it not for the fact there are a lot of Filipinos there. And it would take us a huge gargantuan effort just in case total breaks out of how to bring them back safely.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, inatasan naman ng Punong Ehekutibo si Finance Secretary Carlos Dominguez na maghanap ng pondo para sa mass repatriation.

Hinikayat niya rin ang Kongreso na mag-convene upang pag-usapan ang paglalaan ng pondong kakailanganin sakaling dumating sa puntong isagawa ang mass evacuation ng mga Pinoy.

Ayon sa Pangulo, kailangan itong magawa bago pa man magsimula ang matinding kaguluhan sa Middle East.

Kaya pinahanda na niya ang mga security officials na mai-deploy ang mga aerial at naval assets na susundo sa mga kababayan natin.

“I am afraid of the so many lives of our countrymen in jeopardy at he middle east since here you are I was tinkering of the idea of calling special session of congress I suggest that congress even for about bahala kayo one or two days discuss the problems but I don’t know where you want to put the money, that we can use the money immediately” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,