Pangulong Duterte nagsalita na sa isyu ng Recto Bank incident

by Erika Endraca | June 18, 2019 (Tuesday) | 4925

MANILA, Philippines – Nagsalita na sa unang pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Recto Bank incident.

Ayon sa punong ehekutibo, hindi dapat magpadalos-dalos sa hakbang ang gobyerno upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. At kahit di pa rin tapos ang imbestigasyon, tinawag ng pangulo ang insidente na isang maritime accident.

Hindi rin aniya siya magpapadala ng military ships sa naturang lugar na ini-uudyok umano ng ilang pulitiko. Bukod dito, sinabi rin ng pangulo na dapat hintayin ang resulta ng imbestigasyong kapwa ginagawa ng pamahalaan ng China at Pilipinas.

Ito rin ang dahilan kung bakit sa mga nakalipas na pagkakataon, di nagbitiw ng pahayag ang pangulo kaugnay ng isyu. Sa huli, binigyang-diin naman ng punong ehekutibo na di siya tangang presidente.

Samantala hanggang di aniya natatapos ang kaniyang termino at di nabibili ang mga moderno at akmang kagamitang pangdigma, di siya maghahamon ng giyera kahit kanino.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,