Pangulong Duterte, nagpasalamat sa tulong ng hari ng Saudi Arabia para sa stranded filipino workers

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 3317

BELLO
Sa pamamagitan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ipinahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang liham ang kanyang pasasalamat kay King Salman sa tulong na ibinigay sa mga kababayan nating matagal nang stranded sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Bello na sasagutin ng hari ang pamasahe ng mga gustong umuwi na sa Pilipinas.

Ayon sa kalihim, nais rin ng pangulo na personal na magpasalamat sa hari sa kanyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Sa panayam ng UNTV kay Secretary Bello, sinabi nito na naisapinal ang repatriation ng mga kababayan natin na nais nang makauwi sa Pilipinas sa pakikipagpulong niya sa kanyang counterpart sa Ministry of Labor ng Saudi Arabia.

Bukod sa pamasahe, ipinagutos rin ng hari ang pag-aalis sa mga penalty sa mga nag-expire na passport at visa.

May alok ring trabaho ang hari sa mga filipino worker na nagnanais pang manatili sa bansa.

Una nang nagpahayag ng pagnanais makauwi ng Pilipinas ang mahigit apat naraang stranded OFW samantalang ang iba ay humiling naman na makalipat sa ibang kumpanya.

(Maybelle Razon/UNTV Radio)

Tags: ,