Pangulong Duterte, nagdeklara na ng state of calamity sa Regions I, II, III, at CAR

by Radyo La Verdad | September 28, 2018 (Friday) | 7125

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Number 593 na nagdedeklara ng state of calamity sa Regions I, II, III, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Bunsod ito ng malawakang pinsala na idinulot ng Bagyong Ompong sa Central at Northern Luzon.

Ang state of calamity declaration ay inaasahang magpapabilis ng operasyon ng rescue, relief, recovery at rehabilitation sa mga naapektuhang lugar.

Magbibigay din ito ng daan sa price control measures upang ibsan ang economic impact ng kalamidad sa mga naapektuhang residente.

Batay sa Republic Act 7581, otomatikong magpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ibig sabihin, bawal magtaas ng presyo ng mga bilihin sa naturang mga lugar.

 

 

Tags: , ,