Pinag-iisipan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order upang maibalik ang pagkakaroon ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Kaalinsabay nito ang panawagan sa Kongresong madaliin na pagpapasa sa naturang panukalang batas.
Ito ang kaniyang naging pahayag nang pangunahan nito ang 35th Founding Anniversary ng Philippine Army Reserve Command kahapon sa Tanza, Cavite.
Taong 2002 nang gawing opsyonal ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang dating mandatory ROTC dahil sa mga iregularidad at pang-aabuso kabilang na ang pagkasawi ng isang University of Sto. Tomas ROTC Unit member na si Mark Welson Chua.
Pinalitan ito ng National Service Training Program (NSTP). Bago maipatupad ang mandatory ROTC, kinakailangan munang amyendahan ang NSTP Law.
Ayon kay Pangulong Duterte, kumpara sa ibang bansa, huli ang Pilipinas sa pagsasanay sa mga kabataan hinggil sa pagtatanggol para sa bayan.
( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )
Tags: Kongreso, Pangulong Duterte, ROTC