Pangulong Duterte, may mga bagong tatanggalin sa pwesto

by Radyo La Verdad | January 12, 2018 (Friday) | 2600

Nasa 49 o 70 umanong tauhan ng pulisya, tatlong heneral at isang opisyal ng pamahalaan ang aalisin sa kanilang tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi pa rin ng kaniyang pangakong lilinisin ang gobyerno mula sa katiwalian, ito ang inanunsyo ng punong ehekutibo sa PAGCOR event kagabi sa Mandaluyong City.

Wala pang idea si PNP Chief Ronald Dela Rosa kung sino ang mga heneral na natakdang sibakin ng Pangulo.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala pang basbas na ibinibigay sa kanya ang Pangulo upang pangalanan kung sino ang mga ito at ano ang partikular na dahilan ng kanilang nakabinbing dismissal.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo na pinaglalaanan talaga niya ng oras ang paglilinis sa pamahalaan mula sa katiwalian.

Inihayag naman ng Malakanyang ang posibilidad na mas mamamalagi na si Pangulong Duterte sa Mindanao kaysa sa Maynila sa hinaharap.

Sinabi ni Secretary Roque na mas madalas na ang mga engagements ng punong ehekutibo sa Davao City at maaari din namang niyang harapin ang mga foreign dignitary sa Malacañang of the South, ang Panacañang.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,