Pangulong Duterte, magreresign umano kapag napatunayang sangkot ang kaniyang mga anak sa korapsyon

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 2120

Panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Development forum na ginanap sa Edsa Shangri-la Hotel kagabi. Dito ipinahayag ng Pangulo na kapag napatunayang sangkot ang sinoman sa kanyang anak sa anomang uri ng korapsyon ay hindi siya mangingiming bumaba sa pwesto.

Ito ay matapos na madawit ang pangalan ng anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa imbestigasyon sa isyu ng pagkakapasok sa bansa ng P6.4 billion peso na shabu mula China na ngayon ay iniimbestigahan ng Kongreso.

Matatandaang inihayag ng customs broker na si Mark Taguba sa pagdinig sa Kamara na binabanggit umano ng ilang opisyal ng BOC na tumanggap mula sa kanya ng taro o suhol ang pangalan ng bise alkalde. Ngunit inamin naman agad na posibleng chismis lang umano ito.

Una nang itinaggi ni Vice Mayor Duterte na sangkot siya sa korapsyon sa kawanihan.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

Tags: , ,