Pangulong Duterte, itutuloy ang pagpapasara sa KAPA Community Ministry – Malacañang

by Erika Endraca | June 14, 2019 (Friday) | 10546

MANILA, Philippines – Tuloy ang pagpapasara sa kapa community ministry dahil sa pagiging sangkot nito sa panggagantso.

Ito ang sagot ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa tanong kung makikinig ba si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng ilang kapa member na ikunsidera ang unang direktiba ng punong ehekutibo laban sa kanilang organisasyon.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga umaapela umanong miyembro ng kapa ay ang mga nakakatanggap ng pay out.

“As far as the president is concerned kasi, there’s a continuing crime of swindling or estafa. Iyong mga nakikiusap, from what i gather, from what i heard from them kasi nakakatanggap sila eh. Eh hindi ba ganiyan naman ang ano … iyon ang nature ng pyramiding – ang makakatanggap ay iyong mga nauuna, para nga maengganyo ka. Pero after that, biglang sasabog na. Na kay presidente iyan. Pero basta iyan ang line ni president. Kasi you have to look at his position. Ang posisyon niya, as far as he is concerned, there is a continuing crime. Kaya nga pinasarado niya eh.”ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,