Hiniling ng pamilya Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang September 11, ang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang special non-working holiday sa buong ng Ilocos Norte.
Ayon sa Pangulo, agad niya itong pinagbigyan dahil wala siyang nakikitang mali rito. Aniya, hindi na kailangang pagdebatehan pa ito dahil para sa mga Ilocano, isang bayani ang namayapang Marcos.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, handa siyang magdeklara ng katulad na holiday sa ibang lalawigan kung hihilingin ng mga residenteng gunitain ang kagitingin ng kanilang sariling kababayan.
Samantala, ngayong alas-nuwebe y medya ng umaga naman sa libingan ng mga bayani sa Taguig City, gugunitain ng pamilyang Marcos ang ika-isandaang anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Marcos.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)