METRO MANILA – Ipinahihinto muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aangkat ng bigas dahil sa panahon na ng pag-aani. Bukod dito, inaatasan din nito ang gobyernong bilhin ang produktong palay ng mga magsasaka.
Gayunman, wala namang balak ang Punong Ehekutibo na itigil ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law dahil ito ang makakaresolba sa suliranin ng kurapsyon kaugnay ng rice industry at upang maiwasan ang pagkakaroon ng krisis sa pagkain.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pangulong Rodrigo Duterte, rice, Rice Tariffication Law