Pangulong Duterte, ipinag-utos na tapusin ang pinasimulang war on drugs sa Ozamiz City

by Radyo La Verdad | August 18, 2017 (Friday) | 4302

Pasado alas kwarto nang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ozamiz City Police Office. Ginawaran ng medalya ng kadakilaan ni Pangulong Duterte ang pitong deserving police sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jovie Espenido dahil sa matagumpay na anti-drug operation.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte, nakiusap siya sa mga Ozamiznon partikular ang mga tagasuporta ni Mayor Parojinog na itigil na ang operasyon sa droga.

Muling nagbabala si Duterte sa mga pulis na sangkot sa illegal drug operation at pagbibigay ng 2M reward sa mga pulis na pumatay sa kapwa pulis.

Ipinag-utos din ng Pangulo sa military at pulisya na tutukan at tapusin ang napasimulang war on drugs.

Inamin rin ng Pangulo na nagkamali siya sa planong pag-eradicate ng droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Iprinisinta rin ng Ozamiz PNP ang mga baril na isinuko sa PNP ng mahigit apat na pung brgy. officials sa Ozamiz City.

Samantala, naunang dumating si Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa at kinamusta ang kanyang mga tauhan. Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi pa niya ililipat si Espenido sa ibang lugar dahil na rin sa hiling ng karamihang Ozamiznon.

Humingi rin ng paumanhin si Dela Rosa sa mga Ozamiznon na nadawit ang pangalan dahil sa iligal na droga.

 

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,