Pangulong Duterte, hindi nababahala sa mga POGO Hub na malapit sa military camps – Malacañang

by Erika Endraca | August 20, 2019 (Tuesday) | 11188

MANILA, Philippines – Hindi nababahala ang Malacañang sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Hubs na nakatayo malapit sa mga kampo ng militar.

“He’s not worried because we have the intelligence capability of knowing what they are doing. We have that capability sabi nga ni presidente.”ani  Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Bukod dito, nabanggit din ng opisyal ang posisyon ng National Security Adviser na mas mamomonitor pa aniya ng pamahalaan ang ginagawa ng mga pogo worker kung malapit ang mga ito sa mga base ng militar.

Gayunman, pag-uusapan pa rin ang isyu sa gabinete dahil nagpahayag ng concern si Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay nito.

Samantala, huminto na Ang Philippine Amusement And Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagtanggap ng aplikasyon para sa lisensya ng mga POGO at suportado iyon ng pangulo.

“Policy, because the president always respects heads of departments and offices to do their duty and undertaking.” ani  Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal  Counsel Secretary Salvador Panelo.

 (Rosalie Coz | Untv News)

Tags: ,